Thursday, January 6, 2011

Who let the dogs out??!!!


Hello guys! Gusto ko lang ibahagi sa inyo ang aming mga alaga. Ang aming mga American Bulldogs at mga Retrievers. Umpisahan natin sa taas, ang pangalan ng aso namin na ito ay si WINE, sya ang pinaka tatay ng lahat. Labing dalawa sila nung ipanganak ngunit sa kasawiang palad ay namatay ang labing isa, at si Wine lang ang natira. Inalagaan namin sya na parang bata, kung ituring namin sya ay isang tao na naulila ng mga magulang nya.Pina dede sa tsupon, pinahiga sa kama, ginawan ng malambot na higaan. Pero tignan mo sya ngayon, isa na syang ganap na halimaw. Super laki na nya at napaka bigat!! hindi mo sya basta-basta maigagala sa parke.. Pero kahit ganyan na sya kalaki.. Napaka bait nya pa ding alaga.. Hindi sya basta-basta nangangagat pwera lang kapag hindi ka pa nya kilala.. Yan si WINE ang aming panganay...

 Ito naman si CHIP, ang aming pinaka makulit na aso.. Sobra syang maharot at mapaglaro, ama nya si WINE. Gaya ng nangyari sa ama nya, marami din sila nung naipanganak ngunit isa lang ang natira. Kung anu ang ginawa namin sa tatay nya, ganun din namin sya inaruga, tinuring din namin syang parang bata. Pero kahit napakaharot ng asong ito, sobra namin syang mahal. Lalo na nung nagkasakit sya, sinugod namin sya sa ospital ng mga hayop. Na-confine sya ng dalawang araw, buti na lang, sya ay gumaling at nalunasan. Kaya ngayon, balik na naman ang sigla ng aming super kulit na aso. Isa na din syang halimaw ngayon, napakalaki at matikas ang katawan. Kapag silang dalawa ni Wine ay naghaharutan, itabi mo na ang paa mo at umalis ka sa harapan nila kung hindi ay madadaganan ka nila. Napaka bigat pa naman ng mga hayop na to! Pero kahit dambuhala na sila, sila pa din ang The Best Body Guards ko...


Punta naman tayo sa aming pinaka mahinhing aso sa lahat, siya din ang pinaka mabait sa aming mga aso. Tahimik, malambing at masarap yakapin... Ang pangalan nya ay si Stacey, ang aming Golden Retriever... Si stacey na ata ang nakita kong aso na sobrang bait pero wag ka!! wag na wag mo syang gagalitin dahil kahit AmBull pa kalaban nya pag nagalit, sumusuko sa mga pangil ni Stacey. Kaya the best din itong aso namin na ito, tahimik pero WILD pag nagalit... Kapag nanganak din sya eh mahahawakan mo ang kanyang mga tuta, papaliguan mo at lilinisin mo. Hindi sya nangangagat... Masarap din ito paliguan dahil gustong gusto nya sa tubig, hindi sya malikot gaya nung dalawa sa taas. Sobrang kulet kapag pinaliliguan, pero si Stacey swabeng swabe..  Sana next time na magka anak si Stacey eh mabuhay lahat, dahil kung hindi isa o dalawa lang ang natitira..



At dumako naman tayo sa pinaka bunso sa aming mga aso, ang anak nila Wine at Stacey. Siya ay si Macy, wala pa syang 1 taon. Gaya ni Wine eh napaka harot din nya, manang mana sa tatay pero ang ichura eh nakuha lahat sa ina na si Stacey. Muka nga siyang Labrador eh!? Kulay itim sya at ang balahibo ay hindi gaya ng pagka balbon ng kanyang ina. Hmmmm... naisahan si Wine??!!! hahahaha... dalawa lang sila natira sa lahat ng anak ni Stacey, kung hindi ako nagkakamali eh mga siyam sila lahat. Namatay na naman yung iba, hayy..  yung kapatid nya ay binigay sa isang kaibigan, kamukha nya din pero lalake. Kaya ngayon, apat silang dambuhalang pinapakain sa aming tahanan, apat na matatakaw na halimaw.. 

Sayang nga lang at hindi ko na isasama si Angel, ang aming pumanaw na American Bulldog dahil sa sakit at katandaan na din. Sya ang nanay ni Chip at ni Wine, buntis pa naman sya nung namatay. Kaya namatay din ang lahat ng tuta sa kanyang sinapupunan.. hayyyy...
nakakamiss tuloy si Angel, sya pa naman ang pinaka matapang sa lahat.. at hinding hindi kayo uurungan, kahit daga man o tao walang inaatrasan...

Ngayon nga, mukang nagbabalak na naman bumili ng isang babaeng AmBull para daw palahian sa dalawang barako namin. Para na din mabenta kapag nanganak at magkapera naman kapalit ng mga sako sakong pagkain nila.. hehehehe..
Hanggang dito na lang FUCKERS!!!

5 comments:

  1. mga alaga daw e kahawig mo tong mga to e baka pinsan?

    ReplyDelete
  2. inggit ka? wag ka mainggit, hindi ko sinaktan mga kapatid mo.. hahahaha...

    ay sori askal ka nga lang pla.. wala ka binatbat sa mga alaga ko.. wahahahaha...

    ReplyDelete
  3. . . . parang ang ganda naman ata ng balahibo ni macy despite the fact na cross breed na lang siya. hindi kaya nangangaliwa ang stacey mo?

    ReplyDelete
  4. hahahaha... cguro nga.. hindi ko nga din maintindihan kung bakit nagkaganun ang kinalabasan eh.. supposedly muka dapat syang ambull na golden ret... pero nung lumabas muka syang labrador eh... hindi namin namin pinapakawalan si stacey eh.. hehehe..

    ReplyDelete
  5. http://www.myfreewallpapers.net/nature/pages/labrador-retriever.shtml

    si macy oh, sikat na >:) astig naman, labrador retriever na sya. >:)oh ano? peace tayo man.

    ReplyDelete

Comment Please?