Thursday, December 30, 2010

Putukan na mamaya!!

Putukan na mamaya! eto na ang 2011, at matatapos na ang 2010... parang kailan lang, lumipas na naman ang isang taon. Isang taon at tumatanda na talaga ako! May magandang balita ba sa akin ang 2011 o ganito pa din ako, isang ahente sa isang call center. Lalaki na ba ang sahod ko? Mareregular ba ako? Mabibigay na ba ang dapat ay sa amin? Marami akong tanong na sa 2011 pa lang masasagot, isang taon na naman ng bagong pag asa para sa iba. Isang taon na naman ng pagtanda para sa iba, isang taon na naman ang mabibilang sa kasaysayan ng buhay natin. Paalam 2010 at mabuhay 2011!! Basta sa mga taong magbabasa nito, mag ingat sana kayo sa mga paputok! Masarap ang kumpleto ang kamay, masarap kumain pag kumpleto ang daliri! basta ako, nasa bahay lang ako. Manonood ng tv o ng dvd, magpapatugtog ng radyo na pagka lakas-lakas! It's safe! oh basta, ingat na lang mamaya... Buti na lang wala akong pasok, at least makakasama ko pamilya ko mamaya.. good luck sa atin sa 2011!!!

 

Tuesday, December 28, 2010

Eat all you can at KAMAYAN!!






Earlier, We went to Kamayan Resto at Glorietta to eat for lunch. The best talaga ang food, sarap! Bochog nga kami ng asawa ko eh! Kare-kare ang nilantakan ko with matching bagoong, yummy! Meron din akong tinikman na lechon kawali at ginataang kuhol.. Kaso di ko naubos, dami ko na nakain eh.. Nag halo-halo din kami at tig-isang buko juice na nasa coconut pa.. The best talaga ang pinoy foods, hindi nakakasawa. In other words, MALINAMNAM!! 

Sana lagi kame nandito!! hahahaha... next time siguro baka Dads o Saisaki naman ang titikman ko. Pwede din TGI Fridays, basta kung saan ang masarap, GO kami dun!

Well, Happy New Year to y'll....

Sunday, December 26, 2010

Despicable Me: Minions are so cute!!





They are so cute, aren't they? I love the minions in the movie of Despicable Me that we watched this weekend. They are so adorable, naughty but nice! I can't wait to grab one of them on a toy shop but I can't find it here in our place. I think I can only buy that from the US or any Universal studio toy store!! grrrr...

oh man! how can I go there in the US, I don't even have a passport or a visa!?

Nothing to do here but to wait for it in Toy Kingdom!

Friday, December 24, 2010

Happy Holidays!





Happy holidays to everyone! Have a nice vacation for all of you.. Buti pa kayo nakabakasyon, kami dito sa call center walang holiday vacation, holiday pay meron kami. Kakalungkot dahil hindi kami kasama ng mga pamilya namin, para na din kaming nasa abroad dito. Ganun pa man, kakapal naman ang mga wallet namin after. Sana nga! 

Wala pa nga din ako tulog dahil galing pa ko sa bahay ng lola ng asawa ko. Nabusog naman ako! pero dapat hinay-hinay lang sa pagkain at baka atakihin ng kung anu man. Dapat din tayo mag ingat sa panahon ngayon dahil uso na naman ang mga holdapan, nakawan at carnapan. Mga pinaghirapan ng iba, yun ang puntirya ng mga damuho!

Sige, hanggang dito na lang ulit muna. Happy Holidays sa inyong lahat!

Thursday, December 23, 2010

My Blackberry rocks!!






At last! My application for my BB is complete.. I can now go to FB anytime, I can chat w/ my friends anytime using BB Messenger, Google Talk, YM and Windows Messenger. I can now Tweet!! After 3 months of ownership, ngayon ko lang na appreciate itong BB ko.. hehehe..

Dati kasi hindi ako makapag FB eh, un pala kailangan mo lang id0wload lahat ng APPs from the internet tapos ayun na..  so lahat din ng bagong pictures, pwedeng pwede i-download kahit anung oras.. I love you BB!! mwah

Wednesday, December 22, 2010

Our Beloved Company.....



                     Our Beloved Company here in the Philippines, let me write this on English even though I'm not that good in grammars. Who the hell I care? I'm a Filipino not an American!! This company came from the US of course, and actually for me this a blessing in disguised because after Zenta, I tried to apply to other bigger companies but I failed. I never thought that TxVia will give us more opportunities compare to our previous companies. Right now, for almost 4mos I still enjoying my stay here and also my work as a customer support. Not only that, I love the way our bosses treat us, they are not a hierarchic people. They don't want to be called boss! imagine that?! Well I don't want to discuss all of our happy moments here in TxVia Philippines, the only thing that I want to share on this blog is " I am very happy and proud of my company and my bosses " ...

Pizzarap...

Ito ang pizza!! The best...  Sa lahat ng pizza na natikman ko ito yung hindi nakakasawa. Yung iba kasi super kapal ng dough, kapal ng napay!! kaka-umay.. meron naman din thin crust pero pili lang ang pizza parlor na kinakainan ko. Nakakaubos ako ng 14" pizza dito, kulang ang 10" pizza sakin.. Lalo na pag gutom ako.. lalamon ako dito hanggat gusto ko.. wala akong pakialam sa iba..  Medyo nagsawa nga ako dito noong laging umoorder ang mga boss ko ng pizza, napurga ata ako sa yellow cab.. Panu ba naman mga New Yorker sila eh dun nagsimula itong yellow cab na to.. Bumabaha lagi ng pizza sa istasyon namin.. Kanina lang, kumain kami ng asawa ko dun sa may Market! Market! nabusog na naman yung sawa kong alaga sa tiyan. Naka 14" na naman ako! sinamahan pa ng spageti na maanghang, nakalimutan ko kung anu tawag dun pero hindi ko nagustuhan ang lasa. Meron pa kaming inorder na ice cream, hindi na din namin naubos sa sobrang kabusugan. Then sabay tulog sa opisina dahil alas dos pa ng madaling araw pasok ko. Dumating kami dito mga 930pm, may pasok na kasi asawa ko eh.. Ayun bulagta ako sa sleeping quarters, kahit mabaho yung kwarto ok lang basta makatulog lang ng maayos.


Kaya eto ko ngayon kinekwento ko lahat ng nangyari ngayong araw na to.. kelan kaya ulit ako kakain ng pizza?! bukas!! hehehehe...

Tuesday, December 21, 2010

Pinagmamalaki ko ang AZKALS!!






Kahit sila ay mga kalahating pilipino at dayuhan, bilib pa din ako sa galing nila. Biruin mong nakapasok sila sa semi finals sa tinagal tagal ng larong football sa bansa o sabihin na nating sa mundo. Ngayon lang ulit nakarating ang Pilipinas sa ganun kalayong level ng laro. Sayang nga lang at natalo sila ng Indonesia, wala kasi tayong pwedeng paglaruan ng football dito gaya sa kanila. Home court advantage tuloy! pero ok lang .. Saludo pa din ako sa galing ninyo lahat AZKALS.. 

Mga tunay kayong AZKAL na walang inuurungan...

Kyuwing!!






Wahhhhhhhhhhhhhhh........ Naranasan ko sa unang pagkakataon ang maraming tawag mula sa aming mga kostomer kahapon.. panung hindi tatawag eh lahat ng "transaction" nila eh "declined".. lahat sila galit.. lahat sila inis.. lahat sila parang umiiyak na hindi mo malaman kung anung dapat gawin.. Wala naman ako magawa kundi kausapin ko sila ng maayos kesa naman paapekto ako sa mga sinasabi nila sakin.. Hindi naman sakin sila galit kundi sa sitwasyon nila.. Yung ibang tao kasi na tumawag sakin eh nakapila na sa "mall" para sa bibilhin nilang gamit. Kahit ako un kung wala na ko ibang dalang pera, maiinis ako sa ganung sitwasyon.. hayyyy.... pero syempre naayos naman din ang sistema pero medyo may katagalan nga lang.. kaya ngayon.. balik normal buhay namin dito.. 

AVAIL!!!! yehey.......

Monday, December 20, 2010

Ang simula ng lahat....

hahahaha.. may blog na ako.. ganito pala ang paggawa ng isang blog? tang ina! madali lang pala un? biruin mong nagbasa lang ako ng HAYMEN o blog tungkol sa mga tunay na lalake, bigla ko na lang naisipan ang paggawa ng isang account ko dito.. panu nga ba ang blog? panu ba ko mag uumpisa? panu ako magsusulat? at tungkol saan naman ang isusulat ko? ahh basta... tungkol na lang sa pang araw-araw na buhay ko.. tungkol sa mga walang kwentang bagay.. tungkol sa sex.. tungkol sa libog.. tungkol sa pulitika.. tungkol sa gobyerno.. tungkol sa kapogian ko.. at tungkol sa pag-ibig.. mga ganun na lang! tutal yun lang naman ang alam kong gawin sa buhay eh.. isa lang naman akong simpleng tao na may gustong marating sa buhay.. simple lang! tama na muna to... ito pa lang naman ang simula ng ating daldalan dito sa blog ko na to.. wala na din kasi ako maisip sa ngayon.. nakaupo lang naman ako dito sa istasyon ko.. nagmumuni-muni tungkol sa susunod kong tawag.. kung magiging ok ba ang aking "quality" at mamimintina ang trono ko bilang magaling sa "aht".. hay... bastusan na!!!

Dalawang taon ng pagkakaibigan at pakikipag plastikan...

Ito ang logo ng dati kong kumpanya, dito ako tumagal ng halos dalawang taon. Nagsimula ang ibat-ibang pagkakaibigan namin. Sa totoo lang, tumagal ako dito hindi dahil lang sa sahod o "allowance" na natatanggap namin kundi dahil sa nasimulan naming pagkakaibigan. Ikalawang "batch" kami ng mga "pioneer" ng Zenta. Pagmamay-ari ito ng kano na dati ay sa mga bumbay, kaya ang tagapamahala ng kumpanya dito sa pinas ay mga bumbay. Mabait ang bumbay kong "boss" wala naman ako masasabi sa kanila na masama kundi kuripot lang talaga sila. Marami nga akong nagawa na katarantaduhan sa kumpanya na yan eh, kung alam nyo lang! Hahahahaha...

Pero dahil sa isa ako sa mga "pioneer" ng kumpanya, marami akong utang na loob sa kanya. Kahit na puro kagaguhan na ginagawa ko sa trabaho. Kaso syempre kapag puno na ang salop, umaapaw din. Kaya ayun, nag "resigned" ako pero hindi dahil sa tinanggal ako kundi pinatanggal ako ng mga magagaling kong kasama sa trabaho. Anu ba laban ko sa "OM" at "TL" ko? Kahit na yung "TL" ko talaga may kasalanan kung bakit ko nagawa yung hindi dapat, eh inutos nya lang sakin!? Pano ko naman madedepensahan ang sarili ko kung ang pinaniniwalaan na ng bise presidente ng kumpanya ay yung mga pinuno nya? Wala na ko magawa kundi mag "resigned". Yung "OM" ko naman eh wala din nagawa. Basta isa lang masasabi ko sa kanya "orocan" sya, wala sa katangian nya ang pagiging "OM" o mahusay na tagapamahala. Wala sya sa kalingkingan na aking "boss" ngayon. Kaya marami din naiinis sa ugali nya, hindi sya marunong makisama sa mga ahente nya. Namimili sya ng sasamahan, panu mo malalaman ugali at "feedback" ng mga ahente mo kung hindi ka naman nasama sa kanila? Wala ka naman ginagawa sa istasyon mo kundi "Guys, ACW please?!" hahahaha... wag ka mapipikon kung mababasa mo to, nirespeto kita bilang babae pero hindi kita nirerespeto bilang "OM" ko. Ito namang bakla kong "TL", isa ka pang plastik na tao eh, pagkatapos mo ko utusan na gawin ang isang bagay tapos sasabihin mo sa "boss" mo na hindi ako humingi ng "sorry"?! sira ulo ka pala eh, binaba pa nga kita sa "lobby" para kausapin ka pero dinededma mo lang ako. Tapos sasabihin mo na hindi man lang ako humingi ng pasensya? 

Kung tutuusin, kasalanan mo naman talaga kung bakit ko inaccess yung "PC" ng asawa ko. Inutusan mo ako eh! hay.. "bitter" ako kung sa "bitter" kasi naaasar ako kasi may mga tao palang nambabaligtad talaga. Buti na lang parang "blessing in disguised" na rin siguro ang nangyari dahil maganda yung kumpanya na napuntahan ko ngayon. Dito hindi uso ang "BOSS"......

Hanggang dito na lang ang maikekwento ko kasi wala na naman napasok sa utak ko. Nasabi ko naman na yung importanteng mga bagay dito sa blog ko na to. Yung pagkakaibigan at pakikipagplastikan "adventures" ko sa Zenta.

-----------------------------------------------------------------------   Hardyick  --------------------------------------------

Kamuka ko daw ito... before Ship Wreck!!